Labanan sa Kaluwalhatian

Noong unang panahon may isang grupo ng magkakaibigan na binubuo ng Diyos at Dyosa, ang tatlong anak ng Bathala sa isang mortal na sina Tala,Hanan,Mayari at ang diyos ng araw na si Apolaki. Hindi maitatanggi ang kagandahan,kagwapuhan at popularidad nila sa mga tao ngunit mas minamahal ng tao sina Tala at Mayari dahil sa taglay na galang at at kabaitan ng mga ito. Minsan ay nakita nila Hanan at Apolaki na ipinagdala ng mga tao ng maraming alay sina Tala at Mayari habang sila ay wala,ito ay labis na ikinagalit ng dalawa.Kinabukasan ng magtipon tipon ang Diyos At Dyosa inanunsyo ni Bathala ang paghahanap niya ng nararapat na pumalit sa kanyaMaglalaban ang mga kalahok at ang mananalo ang siyang gagampaning bagong tagapangalaga” sabi ni Bathala ng marinig ito ng magkakaibigan ay hinanda nila ang sarili at nagsanay ng mabuti dahil sa kagustuhang pangunahan ang mundo.

Nang dumating araw ng paglalaban para sa trono maraming nakilahok ngunit ang apat na magkakaibigan lamang ang natira sa huli.Ng oras na ng paglalaban ng apat ay ipinaglaban sila sa isa’t isa ngunit hiniling ni Apolaki kung pwede ay hatiin sila sa tag-dalawa na siyang pinagbigyan naman ng Bathala, naging si Hanan at Apolaki laban kay Tala at Mayari dahil sa labis na kagustuhan at determinasyon hindi naging madali ang labanan hanggang naisip ni Apolaki ang pagkukulang sa kanya ng mga tao na siyang kinaiingitan niya kayla Tala at Mayari. Nagdilim ang kanyang mata at ipinantusok niya kay Mayari ang matulis na bamboo ng hindi iniisip ang kalalabasan nito,huli na ng mapagtanto niya na natusok niya ang mata nito na labis na ikinadugo at naging sanhi ng pagkabulag ng isang mata ni Mayari. Sa kabilang banda ang dalawang magkapatid ay napatigil sa nangyari, kinompronta ng sugat sugat na si Tala ang dalawa at ikinagulat niya ng sabihin ng mga ito ang nararamdamang poot at hinanakit sa kanilang dalawa ni Mayari sinabi niya dito na “Kailan man ang inggit ay walang maitutulong na maganda sa iyo at sa iyong kapwa”

Hindi na tinapos ng mga kalahok ang labanan,alam din nila na sila Hanan at Apolaki ang siyang nanalo sa patikumpala.Pagkatapos nito ay ipinatawag ni Bathala ang mga nanalo, labis na pinagsisihan ng dalawa ang kanilang nagawa at hiniling na sana silang apat na lamang ang mamuno sa mundo. Pumayag naman si Bathala bilang galang na din sa bagong tagapangalaga, maya maya ay nakapag desisyon ni Bathala na sila Hanan at Apolaki ang mamumuno habang umaga dahil ang kanilang sinag ay nagbibigay ligaya habang sila Tala at Mayari ang tagapangalaga sa gabi dahil ang kanilang liwanag ay nagniningning sa kadiliman na siyang makakatulong sa mga tao na maliligaw at lalabas sa gabi. May nakuha man na maganda at bagong simula ang magkakaibigan hindi maitatanggi na isa din ito sa nagbigay lamat sa kanilang pagkakaibigan. Ngayon alam na natin na ang inggit ay walang patutunguhan.

Design a site like this with WordPress.com
Get started